Umuulan Tuwing Kumakanta

Sabi nila nagpopost lang daw ng lyrics sa blog kung naubusan na ng maipo-post ang blogger. Kaya ayaw ko mag-post ng lyrics sa isa ko pang blog. Dito na lang. Tuwing kumakanta ako umuulan ng sintonadong tono, bumabaha ng ala-ala at kumidlat ng ng mga bagong kaisipan. Ito ang mga kantang kinakagiliwan kong awitin. Ito ang soundtrack ng aking buhay.

About Me

My Photo
Name: C Minor
Location: Philippines

acapella. falsetto. cavatina. dissonance. drone. solo. flat. minor. monotone. obbligato. i dunno what those means.

View my complete profile

Isa Ko Pang Blog


Samo't Saring Blog


To Download Currently Playing, Right Click and "Save Target As"




Lumang Tugtugin

  • Welcome by Christina Aguilera
  • Cool Off by Session Road
  • Numb by U2
  • Dirty Little Secret by The All-American Rejects
  • Mais Que Nada
  • If God Made You by Five For Fighting
  • Dito Tayo sa Dilim by Pedicab
  • Sampip by Parokya ni Edgar
  • Kailanpaman by Kevin Roy
  • Dark Beat (Addicted to the drums) by Oscar G. and ...

Awit ng Panahon

  • July 2005
  • August 2005
  • September 2005
  • October 2005
  • November 2005
  • December 2005
  • January 2006
  • February 2006
  • March 2006
  • May 2006
  • June 2006
  • July 2006
  • August 2006
  • September 2006
  • March 2007
  • Current Posts


Monday, December 12, 2005

Heto Na Naman by Ryan Cayabyab

Heto na naman! Parang may tono na nagsasawa na. Sino ba naman ang hindi magsasawa e Septembre pa lang, feeling Pasko na dito? Nakakasawa na din lahat ng kapagurang kasabwat sa paghahanda para sa Pasko: ang pagde-decorate, pamimili ng regalo, paghahanda ng pagkain. Noong bata ako natutuwa ako kung Pasko. Kasi wala naman akong kailangang gawin kundi maghintay. E ngayon, ako ang magde-decorate, ako ang gagastos para sa mga regalo, at malamang ako ang maghahanda ng menu tapos ako rin magluluto ng ibang putahe. Nakakapagod! Tapos wala naman akong matatanggap na regalong magugustuhan ko talaga!

Ang nakakatawa ang daming nagdidiwang ng Pasko, pero konti lang naman ang nakakaintindi ng kahulugan ng Pasko. maski ako, nakalimot minsan.

Kung aalalahanin at uunawain lang kung bakit talaga may Pasko, sasaya ka na kahit walang palamuti, regalo o handaan. Syempre iba pa rin ang saya kapag nakita mo na nakangiti yung pinagbigyan mo ng regalo, o yung kumain at nagustuhan ang luto mo. Iba ang saya ng nakakapagpasaya. Nakakapagod pero masaya!

I

Heto na naman 'yong masayang panahon
Ubas at mansanas na kahon-kahon
Said na ang bulsa
Pagod pa ang paa
Kahahanap ng regalong mura't maganda

II

Heto na naman 'yong ganitong panahon
Kundi kalendaryo ay maalat na hamon
Wala na bang iba
Fruit cake na luma
Exchange gift na diary
Chocolate at sabon

Refrain:

Wala na ba kundi panandaliang saya
Wala na ba kundi ako, ikaw at siya
Nalilimutan natin kung bakit may Pasko
Isang nagmamahal na Diyos
Ang 'sinilang sa mundo

III

Heto na naman mga awit ng panahon
Si Santa Claus at Rudolf nagtipon-tipon
Wonderland ni Johnny, Puting Pasko ni Crosby
Ano na nga 'yong hit ni Michael Jackson
(Why don't you...)

Repeat II
Repeat refrain (2x)

Maligayang pasko (4x)
Sa inyo

pumiyok si C Minor bandang 2:46 PM | 3 pumiyok